D-LEAGUE: RED LIONS NILAPA ANG KEANZEL

Mga laro sa April 2:
(Ynares Sports Arena)

4:30 p.m. – Keanzel Basketball vs CCI-Yengskivel

7:30 p.m. – EcoOil-DLSU vs CEU

MULING sinandigan ni James Payosing, ang NCAA Finals MVP noong nakaraang season, ang Marinerong Pilipino-San Beda sa 109-59 pagdurog sa debuting Keanzel Basketball sa PBA D-League Aspirants Cup kahapon sa  Ynares Center sa Antipolo.

“Siguro, malaking tulong din ang experience last season sa NCAA na nagbigay ng confidence sa akin,” sabi ni Payosing makaraang pangunahan ang Red Lions sa ikalawang sunod na panalo.

Nagtala si Payosing ng team-high 18 points sa 8-of-9 shooting sa 13 minutong paglalaro para sa Marinero-San Beda.

Kuminang din ang mga transferee para sa Red Lions, kung saan nagdagdag si Richi Calimag ng 14 points, 5 rebounds at 4 assists, habang umiskor sina Bryan Sajonia at Joe Celzo ng tig-12 points.

“Like our last game, hindi pa namin kilala yung kalaban nami so we had to do what need to do better than our last game. Kailangan i-respeto yung kalaban at syempre, nasa D-League sila so hindi pwede i-take for granted,” sabi ni Marinero-San Beda coach Yuri Escueta.

Ang Keanzel na binubuo ng core mula sa AMA Online Education squad ni Mark Herrera ay pinangunahan ni James Martinez na may 14 points.

Iskor:

Marinero-San Beda (109) – Payosing 18, Calimag 14, Sajonia 12, Celzo 12, Songcuya 8, Estacio 8, Andrada 6, Lopez 6, Etulle 6, Gonzales 4, Puno 4, Tagle 3, Tagala 3, Royo 3, Jalbuena 2.

Keanzel (59) – Martinez 14, Panlilio 9, Ceniza 9, Alota 9, Gayosa 8, Villaflor 4, Camay 2, Calacalsada 2, Yambao 2, Romero 0, Alina 0, Wong 0, Villamor 0, Ibo 9, Advincula 0.

QS: 28-16, 62-39, 86-55, 109-59.