Standings W L
Marinero-San Beda 4 1
EcoOil-DLSU 3 1
CEU 2 1
Perpetual 2 2
PSP 2 3
Wang’s-Letran 1 2
AMA Online 0 4
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – AMA Online vs Wang’s-Letran
4 p.m. – Perpetual vs CEU
KAPWA puntirya ng Centro Escolar University at University of Perpetual Help System Dalta ang magandang puwesto sa playoffs sa pagpasok ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa homestretch ngayon sa Filoil EcoOil Centre.
Ang Scorpions ay sumasakay sa two-game winning streak upang umangat sa solo third place habang nalasap ng Altas, matapos ang 2-0 simula, ang back-to-back defeats upang mahulog sa No. 4, isang linggo ang nalalabi sa single-round elimination play.
Isang streak ang mapuputol sa alas-4 ng hapon kung saan target ng parehong koponan na manatili sa mainit na karera para sa Top-2 finish na may kaakibat na automatic semifinal berth.
Ang Marinerong Pilipino-San Beda, na may league-best 4-1 record, ay pasok na sa playoffs at isang panalo na lamang ang kailangan para sa outright passage sa semis, habang nasa ikalawang puwesto ang EcoOil-La Salle na may 3-1 kartada.
Sa 2 p.m. opener, sisikapin ng Wang’s Basketball @27 Striker-Letran na maiposte ang unang panalo sa torneo kontra kulelat na AMA Online.
Ang CEU, ang UCBL champion, ay yumuko sa reigning champion EcoOil-La Salle sa opener noong nakaraang buwan ngunit balik sa porma sa pares ng panalo, kabilang ang 92-85 overtime win laban sa three-time NCAA champion Letran.
Laban sa isa pang mabigat na NCAA squad, nangako ang Scorpions na pagbubutihin pa ang paglalaro.
“Marami pa kaming lapses so we have to continue getting better. We need games facing UAAP and NCAA teams.
Now, it’s Perpetual so it’s a welcome opportunity for us to step up anew. Pagbubutihan pa namin,” sabi ni coach Jeff Perlas.