D-LEAGUE: SEMIS CAST KINUMPLETO NG KNIGHTS, ALTAS

PBA D-League

NAGMARTSA ang University of Perpetual Help System Dalta at Wang’s Basketball @27 Striker-Letran sa PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals makaraang dispatsahin ang kanilang quarterfinals foes kahapon sa Paco Arena.

Lumayo ang Altas sa huling bahagi ng laro upang sibakin ang Philippine Sports Performance, 97-90, habang humabol ang Knights mula sa 10-point deficit sa huling 3:27 ng regulation at bumanat ng 8-0 run sa first minute ng overtime tungo sa 94-87 panalo kontra Centro Escolar University.

Makakasagupa ng Perpetual ang No. 2 seed at reigning champion EcoOil-La Salle sa best-of-three series, habang makakaharap ng Wang’s-Letran ang elimination round topnotcher Marinerong Pilipino-San Beda simula bukas.

“It’s our first time in the D-League semifinals after three stints. It’s our first time to reach this feat so sana maging maganda,” wika ni Perpetual coach Myk Saguiguit.

Nanguna para sa Altas si Cyrus Nitura na may 20 points, kabilang ang dagger lay-up sa huling 49 segundo.

Nagdagdag sina John Abis at skipper Jielo Razon ng 19 at 18 points, ayon sa pagkakasunod, habang nag-ambag sina John Paul Boral ng 15 at Arthur Roque ng 13 para sa Perpetual.

Nagbuhos si Kurt Reyson ng 27 points, kabilang ang isang triple sa 4:02 mark na nagbigay sa Knights ng 87-79 lead, 6 rebounds at 5 assists habang kumubra si Vince Cuajao ng 15 points.

Iskor:
Unang laro:
Perpetual (97) – Nitura 20, Abis 19, Razon 18, Boral 15, Roque 13, Ferreras 7, Ramirez 5, Pagaran 0, Barcuma 0, Nunez 0, Sevilla 0.

PSP (90) – Comboy 26, Dela Cruz 15, Yutuc 14, Bayla 10, Olegario 8, Acuña 5, Velchez 4, Mohammad 4, Meneses 2, Sumagaysay 2, Castillo 0.

QS: 27-27, 57-47, 68-73, 97-90.

Ikalawang laro:
Wang’s-Letran (94) – Reyson 27, Cuajao 15, Monje 12, Tolentino 11, Fajardo 10, Javillonar 6, Ariar 5, Go 3, Guarino 2, Santos 2, Morales 1, Alarcon 0.

CEU (87) – Tolentino 25, Balogun 17, Santos 14, Cabotaje 12, Diaz 9, Puray 6, Bernabe 4, Reyes 0, Anagbogu 0, Peñano 0, Joson 0, Borromeo 0, Malicana 0.

QS: 11-14, 38-32, 54-64, 79-79, 94-87.