Standings W L
Apex Fuel* 4 1
Marinero* 4 2
EcoOil* 4 2
Wangs 3 2
Adalem* 3 3
CEU 3 3
Builders 2 4
AMAx 0 6
* – assured of playoff spot
x – eliminated
Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
1 p.m. – Marinerong Pilipino vs CEU
3 p.m. – Apex Fuel-San Sebastian vs Wangs Basketball @26-Letran
TARGET ng Marinerong Pilipino at Apex Fuel-San Sebastian ang outright semifinals berths sa magkahiwalay na laro sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Muling magtatangka ang Skippers na makopo ang top two spot sa pagharap sa Centro Escolar University sa ala-1 ng hapon.
Magbabalik si Jollo Go para sa Marinerong Pilipino na babawi matapos ang shock 88-80 loss sa Builders Warehouse-UST noong Huwebes.
“Kailangan naming matuto sa pagkatalong ito. Importante para sa amin ‘yun kasi papalapit na ‘yung playoffs,” wika ni coach Yong Garcia na ang tropa ay may 4-2 win-loss record.
Mas mabuting may natutunan ang Skippers mula sa naturang kabiguan dahil makakasagupa nila ang Scorpions crew na galing sa confidence-boosting 81-75 victory kontra Wangs Basketball @26-Letran.
“Mas maganda ‘yung mindset ng players namin ngayon,” ani coach Chico Manabat, na ang tropa ay naghahangad ng sarili nilang playoff ticket at umangat mula sa 3-3 kartada.
Samantala, magsasalpukan ang Apex Fuel-San Sebastian at Wangs Basketball @26-Letran sa high-stakes battle sa alas-3 ng hapon.
Sa 4-1, maaaring kunin ng Golden Stags ang top two seed at makaiwas sa anumang komplikasyon sakaling magkaroon ng triple o quadruple-tie sa unahan.
“Very happy kami sa itinatakbo ng mga bata kaya sana magtuloy-tuloy na ito,” sabi ni coach Egay Macaraya.