(DA, Landbank, Thai firm sanib-puwersa) AGRI SECTOR PALALAKASIN

NAGSANIB-PUWERSA ang Department of Agriculture (DA), Land Bank of the Philippines (LBP), at Thai company Charoen Pokphand Foods Philippines Corporation (CPFPC) para suportahan ang  hog, poultry, at aqua raisers sa pagpapalawak ng kanilang business operations.

Isang memorandum of agreement (MOA) ang nilagdaan nitong Biyernes sa aqua feeds plant ng Thai firm sa Samal, Bataan nina DA Secretary William Dar, LBP President and CEO Cecilia Borromeo, at CPFPC Vice Chairman and President Sakol Cheewakoset.

Sinaksihan nina Bataan Vice Governor Ma. Cristina Garcia at Samal Mayor Aida Macalinao ang paglagda sa kasunduan.

“Napakagandang project ito kasi it will boost our food security. Alam naman natin na kumakain tayo three times a day siyempre kung mahal ang bibilhin nating pagkain ay kaunting pagkain lang ang mabibili natin.  So, with this project ay makakatulong na mabawasan ang mga importations natin dito sa Pilipinas,” pahayag ni Garcia sa event.

Sinabi ni Cheewakoset na ang partnership at cooperation sa LBP at CPFPC ay hinggil sa pagkakaloob ng credit, technical, at marketing support sa potential borrowers para sa hog at shrimp enterprises.

Aniya, ang CPFPC ay nananatiling isa sa pinakaaktibong integrators sa livestock at poultry industry at nilapitan ng DA upang tumulong sa hog repopulation, rehabilitation, at recovery program ng pamahalaan.

“Through the MOA, CPFPC is committed to referring to LBP their investors that will be needing financing to build bio-secure facilities for the growing and breeding of hogs, chicken, and shrimp, as well as capital expenditure and operating expenses for franchises of the company’s meat shop and roasted and fried chicken station.”

Ang Thai firm ay may komitment din na i-remit sa LBP ang contractual fees sa growers upang masiguro ang pagbabayad ng loan amortization.

Sinabi ni Borromeo na ang government-owned LBP ay magkakaloob ng financing support sa clustered farmer–fisher groups, cooperatives, micro, small and medium enterprises, at iba pang agri-enterprises ng CPFPC para sa pagbili at konstruksiyon ng bio-secured buildings at iba pang pasilidad para madagdagan ang produksiyon.

“We welcome the partnership to advance the competitiveness of swine, poultry, and aqua industry players nationwide. Land Bank will continue to provide appropriate financing support to meet the growing domestic demand of the agriculture sector towards food security and job generation,” sabi ng LBP head. PNA