NAKATANGGAP ng suporta ang dalawang asosasyon ng abaca farmers sa bayan ng San Luis, Agusan del Sur, mula sa Department of Agriculture in Caraga Region (DA-Caraga) sa ilalim ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program.
Sa isang pahayag kamakailan, sinabi ng DA-Caraga na ang suporta sa 160 abaca farmers sa pamamagitan ng makinaryang pangsaka at mga kagamitan ay makapagpapabago ng kalidad ng abaca fiber products.
Nakakuha ang abaca farmers mula sa barangays Cecilia at Muritula ng apat na portable spindle-stripping machines at dalawang hand tractors, na nagkakahalaga ng PHP1 milyon.
Ang mga makinaryang pangsaka ay pormal na iniabot sa organisasyon sa pamamagitan ni Santos A. Escalicas, chairperson of the Muritula Usad Farmers Association, at Bienvenido C. Gallarde, chairperson of Cecilia Abaca-Corn Farmers Association.
Ang DA-Caraga ay ikinatawan sa turn-over ceremony ni Roberto Hipolao Jr., DA-SAAD deputy program coordinator para sa Caraga.
Sa pagtanggap ng tulong, sinabi ni Escalicas na ang de kalidad na abaca fiber ay nangangahulugan ng mataas ng kita para sa kanila.
“The equipment handed to us will provide us the comfort in operation because of its mobility and this will give us quality produced of abaca fibers that will lead to more market linkages. We are very grateful for DA-SAAD Caraga for granting this project to us,” sabi niya.
Nakatanggap din ang abaca farmers ng planting materials at suporta kasama ang technical assistance mula sa DA-Caraga sa su-porta ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA), dagdag pa ng pahayag.
“The technical support included training aimed to establish and enhance the abaca farms in the area through the introduction of better farm management practices,” sabi ng DA-Caraga.
Inireport ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa kanilang quarterly bulletin na ini-release mula ABril hanggang Hunyo ngayong taon na nagkaroon ng konting dagdag ng 0.1 percent ng produksiyon ng abaca fibers sa bansa, o mula sa 18.89 thousand metric tons sa parehong tatlong buwan ng 2018 hanggang 18.91 thousand metric tons.
Sumusunod ang Eastern Visayas at Caraga regions sa Bicol Region pagdating sa mataas ng produksiyon abaca fiber during the period, na nakapag-contribute ng 19.5 percent at 13.1 percent ayon sa pagka-kasunod, dagdag pa ng report ng PSA. PNA
Comments are closed.