DA, NMIS NAG-BOODLE FIGHT BILANG PATUNAY NA LIGTAS KUMAIN NG KARNE NG BABOY

BABOY

NAGSAGAWA ng boodle fight ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Meat Inspection Service (NMIS) para ipakita sa publiko na ligtas kumain ng karneng baboy.

Pinagsaluhan ng mga opisyal ng mga naturang ahensya sa selebrasyon ng 26th Meat Safety Conciousness Week at 47th anniversary ng NMIS ang boodle fight kung saan pangunahing handa ang lechon.

Ginanap ang nabanggit na selebrasyon sa NMIS grounds kasabay ng pag­lunsad ng kampanya na “Pinoy Pork is Safe to Eat”.

Magugunitang tinamaan ng African Swine Fever (ASF) ang mga baboy sa ilang bahagi ng Luzon na siyang ikinaalarma ng publiko.