DA UMUUTANG NG $200-M SA WORLD BANK PARA SA FISHERY PROJECT

DA-2

NASA $200-million ang inuutang ng Department of Agriculture (DA) mula sa  World Bank para pondohan ang Fisheries and Coastal  Resiliency (FishCoRe) project nito na layong mapalakas ang fishery production ng bansa.

“The FishCoRe project would directly contribute to achieving key outcomes in the department’s Food Security Framework which is integral to the national goals of recovery and resiliency as we survive, reboot and grow in the wake of the COVID-19 pandemic,” ayon kay Agriculture Secretary William Dar.

Ang loan na tinatayang katumbas ng P10.095 billion ay susuporta sa pagpapaangat at modernisasyon ng fisheries at aquaculture ng bansa, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng technical support, capital, at enabling environment.

Ayon sa DA, layon  din ng proyekto na maiangat ang socio-economic condition ng coastal communities sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang proyekto ay ipatutupad sa mga piling lugar sa 12 Fisheries Management Areas (FMAs) na itinayo sa buong bansa noong 2019 ng DA sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang tuloy-tuloy na mapangasiwaan ang fishery resources ng bansa sa pamamagitan ng science-based at participatory governance framework.

Ang FMAs ay kinabibilangan ng major fishing grounds, lakes, bays, gulfs at iba pang lugar sa bansa.

Comments are closed.