DA-VIETNAM FERTILIZER COMPANY PARTNERSHIP NILULUTO

TARGET ng Department of Agriculture (DA) na makipagpartner sa  giant fertilizer firm ng Vietnam — ang Binh Dien Fertilizer Joint Stock Co. — upang palakasin ang agricultural production ng bansa.

Sa isang statement, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na inaayos na ang distribution agreement kasunod ng kanyang pagbisita sa pasilidad ng kompanya sa Hanoi noong nakaraang July 6.

“We have high expectations following our visit to Binh Dien’s factory. Their management and technical team’s expertise is impressive and much needed in the Philippines,” aniya.

“We see great potential in partnering with Binh Dien. Our country stands to benefit significantly from their advanced technology and expertise in agriculture,” dagdag pa ni Laurel.

Ang kompanya ay maaari aniyang mag-supply o mag-manufacture ng kanilang fertilizer sa Pilipinas bilang bahagi ng Philippines international expansion nito.

Ang Binh Dien ay itinuturing na nangungunang producer ng NPK (pinaghalong nitrogen, phosphorus, at potassium sa fertilizers) sa Vietnam, na may total capacity na one million metric tons (MT) o katumbas ng 30 percent ng fertilizer requirement ng kanilang bansa.

Samantala, ang Vietnam ay major rice exporter sa Pilipinas, na may five-year trade deal na mag-supply sa bansa ng 2 million MT ng white rice.

Ulat mula sa PNA