DAGDAG-BUDGET SA DTI PINAPURIHAN NI BONG GO

PINURI ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagtataas sa 2023 budget ng Department of Trade and Industry (DTI) para mabigyan ng pondo ang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) program nito na naglalayong matulungan ang micro, small, and medium enterprises na nasa krisis at mapagkalooban ng livelihood opportunities ang mas maraming Pilipino.

Nauna rito ay matagumpay na iniapela ni Go ang paglalaan ng budget para sa PPG program sa deliberasyon sa 2023 budget ng DTI.

“Marami pong nawalan ng trabaho, maraming nagsara na negosyo dahil po sa pandemya kaya naman napakahalagang maipagpatuloy ang programang ito,” sabi ni Go.

“Kaya naman nagpapasalamat po ako sa mga kapwa ko mambabatas at sa DTI para sa kanilang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Program. Sana po ay mas maraming Pilipino pa pong matulungan ang inyong programa,” dagdag pa niya.

Samantala, iginiit ng senador ang napakahalagang papel na ginagampanan ng MSMEs sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa at ng local communities.

“According to data, 99.52% of the total enterprises operating in the country are MSMEs. Backbone ng ating ekonomiya ang mga MSMEs. Masisipag at madiskarte sa buhay ang mga Pilipino. Kung mabibigyan lang sila ng tamang tulong at training, hindi malayo na mas lalago pa ang mga negosyo nila,” sabi ni Go.

Ang senador ay naghain na ng ilang legislative measures para suportahan ang economic sector na ito. Kabilang dito ang bill na naglalayong i-institutionalize ang the “One Town, One Product” (OTOP) program ng DTI, at ang panukalang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act.

Pagtitibayin ng Senate Bill No. 424 ni Go ang OTOP bilang government stimulus program para mahikayat ang paglago ng MSMEs sa bansa sa pamamagitan ng paggamit ng indigenous raw materials, local traditions at cultures sa buong bansa.

Layon nitong tulungan at i-capacitate ang MSMEs sa pagbuo ng bago at mas kumplikadong mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng malaking pagbabago sa mga larangan ng quality, product development, design, packaging, standards compliance, marketability, production capability, brand development, sustainability, at pagkuha ng licenses, product registration at iba pang market authorization.