ISUSULONG ng Department of Finance (DOF) ang panukala nito na taasan pa ang excise tax rates sa ‘sin’ products upang makatulong sa pagpigil sa pagkonsumo ng ‘unhealthy products’.
Ayon kay Finance Secretary Carlos G. Dominguez III, susuportahan ng DOF ang bill ni Senador Manny Pacquiao sa pagtataas ng excise tax rates na ipinapataw sa ‘sin’ products, kabilang ang alcoholic beverages at cigarette products sa ilalim ng Package 2 plus nito.
“Yes [to tobacco excise tax increasing] because it’s the right thing to do. Just because you’re going to get a bad reaction that doesn’t mean you’re going to stop…,” wika ni Dominguez.
Sa ilalim ng 17th Congress, dalawang bills ang inihain sa Senado na nagpapanukala na dagdagan ang tobacco excise tax – ang Senate Bill (SB) 1599 ni Pacquiao at SB 1605 ni Sen. Joseph Victor G. Ejercito.
Ipinapanukala ng SB 1599 ang pagrepaso sa sin tax law at doblehin ang excise tax sa sigarilyo mula sa kasalukuyang P30 per pack sa hanggang sa P60 per pack ngayong taon, na may annual increase na 9 percent mula sa inisyal na 4 percent.
Nauna nang ipinaliwanag ni Pacquiao na ang bill ay magpapababa sa smoking prevalence sa 19.8 percent sa 2020, bukod pa sa gaganda ang kasalu-kuyang estado ng kalusugan sa bansa.
“He has a measure in there which conforms to ours. We will support his [Pacquiao’s] measure. It’s not doubling the rates, I don’t really remember the exact rates,” sabi pa ng DOF chief.
Samantala, sa ilalim ng SB 1605 ni Ejercito, ang presyo ng sigarilyo ay itataas sa hanggang P90 per pack ngayong taon na susundan ng 9 porsiyen-tong pagtaas taon-taon.
Ayon kay Ejercito, ang pagtaas ay upang madagdagan ang pondo ng pamahalaan ng P80 billion hanggang P90 billion sa unang taon pa lamang ng pagpapatupad nito.
Para sa first quarter ng taon, iniulat ng DOF na mayorya ng inflationary pressures ay nagmula sa increased excise tax rates sa sigarilyo at alak. Ang presyo ng alcoholic beverages at tobacco ay tumaas ng 18.57 percent noong Marso mula sa 16.85 percent noong Pebrero.
“Appropriate adjustments in prices of ‘sin’ products, tobacco specifically, will continue to fuel inflationary momentum in the near term. However, the government is precisely discouraging the consumption of these products through higher prices, among others,” pahayag ng DOF sa economic bulletin nito sa inflation. REA CU
Comments are closed.