INATASAN ng pamahalaang lokal ng Parañaque City ang City Health Office (CHO) na magtalaga ng karagdagang doktor, health workers at trained medical professionals sa kabuuang 16 barangay health centers sa lungsod upang mapaigting ang pagbibigay serbisyo sa kalusugan kabilang ang baksinasyon kontra COVID-19 at maagang deteksyon ng dengue.
Iniutos sa CHO ang pagpapalawak ng pamamaraan na makapipigil sa pagtaas ng bilang ng dengue dahil sa pag-ulan nitong mga nakaraang araw gayundin ang pagpuksa sa COVID-19 batay sa ulat ng Department of Health (DOH).
Ang lahat ng serbisyo at konsultasyon sa mga health center ay libre at walang bayad kung saan made-detect pa rito ng mas maaga ang kaso ng dengue dahil bawat health centers ay mayroong test kits na bukod sa mga doktor ay ang mga lisensyadong medical technologists lamang ang makagagawa nito.
Ang iba pang serbisyong pangkalusugan na ipinagkakaloob ng libre sa mga residente ay ang routine immunizations para sa mga kabataan, regular na konsultasyon, pre-natal checkups, family planning counseling at anti-tuberculosis DOTS (Directly Observed Treatment Strategy).
Isang lisensyadong nurse at educator sa ang mga barangay health centers ang magbibigay ng impormasyon ng pangkalusugan kung papaano maiiwasan ng isang indibidwal ang magkasakit.
Kamakailan lamang, sa pakikipag-partner sa DOH ay nakapagsagawa ang lokal na pamahalaan ng health summit kung saan napag-usapan ang mga epektibong pamamaraan upang maiwasan ang mga sakit tuwing panahon ng tag-ulan tulad ng water-borne infectious diseases, influenza, leptospirosis, at dengue o wild.
Gayundin, sa mga darating na araw ay nakatakdang ilunsad ng lokal na pamahalaan ang wild program sa lahat ng barangay health centers sa lungsod. MARIVIC FERNANDEZ