PABOR si Senador Christopher Bong Go na mabigyan ng karagdagang hazard pay ang mga government workers na nagtatrabaho habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine laban sa COVID-19.
Ipinaliwanag ni Go na ang mga government worker na nagtatrabaho pa rin sa gitna ng pandemic ay inilalagay ang buhay sa panganib kaya naman na-rarapat na bigyan ng tamang kompensasyon ang mga ito na siyang tanging magagawa ng gobyerno bilang pasasalamat.
Nauna rito, hiniling ni Budget Secretary Wendel Avisado kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng Administrative Order na magbibigay ka-pangyarihan sa national government agencies, kabilang ang state universities and colleges (SUCs) at government owned and controlled corporations (GOCCs) pa-ra magkaloob ng hazard pay na hindi hihigit sa P500 bawat araw.
Kabilang sa mga puwedeng mabigyan ng hazard pay ang regular, contractual o casual positions, con-tract of service at job order workers sa National Capital Region (NCR) at ibang local government units.
Kaugnay nito, sinabj ni Go na nakarating na ang panukala kay Pangulong Duterte at sa tingin niya ay sasang-ayunan ito dahil mahalaga ang kapa-kanan ng mga frontliner.
Dagdag pa niya, ang mga entitled sa hazard pay ay ang mga awtorisadong mag-report sa trabaho nang personal.
Aminado rin ang senador na hindi mapipilit kung hindi kaya ng pondo na aabot sa P500 ang hazard pay pero umaasa siyang magagawan ng paraan para maibigay ito sa lalong madaling panahon.
Iginiit ni Go na hindi biro ang ginagawang sakripisyo ng government workers at iba pang frontliners dahil sa kabila ng banta sa kanilang kalusugan at buhay ay pinili nilang magtrabaho upang hindi mapu-tol ang serbisyo ng pamahalaan sa taumbayan. VICKY CERVALES
Comments are closed.