NAVOTAS – PARA madagdagan ang kaalaman, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tatlong araw na professional advancement seminar sa Tagaytay para sa mga guro.
Hinati sa dalawang batch ang seminar para makasali ang humigit-kumulang 1,600 pampublikong mga guro at non-teaching personnel ng Navotas.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang pangangailangan na pangalagaan ng mga guro ang kanilang sarili para kaya nilang mag-alaga ng iba.
Sinabi rin niya na ang mga mamamayan ang pinakamahalagang yaman ng lungsod, at ang mga guro ang tumutulong para malinang at makamit ang kanilang potensiyal.
Kasama sa mga speaker sa seminar sina Bro. Alvin Barcelona, Dr. Didoy Lubaton, Jonathan Yogawin, Mayi Lubaton at Ning Tadena.
Itinuro nila sa mga kalahok ang halaga ng pagtugon sa mga personal na pangangailangan tulad ng pahinga, pera, pagtanggap at pagmamahal sa sarili, pag-alam sa sariling halaga, pagkaroon ng life vision, at pagtuklas ng kanilang mga hangarin. EVELYN GARCIA
Comments are closed.