(Dagdag na buwis pasado na) PRESYO NG YOSI TATAAS

yosi

NAKALUSOT na rin sa Kamara ang Sin Tax Bill na nauna nang inaprubahan sa Senado.

Ito ay matapos irekonsidera sa 2nd at 3rd reading ng Kamara ang panukala na taasan ang buwis sa sigarilyo at i-adopt ang inaprubahan ng Senado.

Hindi na ito dadaan sa bicameral conference committee at agad na itong isusumite kay Pangulong Duterte para mapirmahan at maging ganap na batas.

Itinatakda ng panukala ang P45 na pagtaas ng buwis sa kada pakete ng sigarilyo pagsapit ng January 1, 2020.

Magiging P50 ito pagsapit ng taong 2021, P55 sa taong 2022 at P60 pagsapit ng 2023 at mula 2024 ay itataas ito ng limang porsiyento kada taon.

Bukod sa sigarilyo, papatawan na rin ng buwis ang vape o e-cigarettes at heated heated tobacco products.

Samantala 50% ng makokolektang buwis sa sigarilyo ay direktang mapupunta sa Universal Health Care Law habang ang 50% ay hahatiin sa mga LGU kung saan 70% dito ay sa mga bayan at munisipalidad at 30% ay sa mga pro­binsiya. CONDE BATAC

Comments are closed.