DAGDAG NA PORK IMPORTS PINAG-AARALAN NG DA PARA MAPATATAG ANG PRESYO NG KARNE

PORK PRODUCTS

PLANO ng Department of Agriculture (DA) na triplehin ang pork imports para mapatatag ang presyo ng karne sa merkado.

Sa Laging Handa briefing kahapon, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na pinag-aaralan nila na taasan ang minimum access volume ng pork imports sa isang taon na ngayon ay nasa 54,000 metric tons.

“Kasama po sa plano at pinag-aaralan na namin ‘yung dagdagan itong minimum access volume to triple what is allowed. Ang allowed ngayon ay 54,000 metric tons isang taon,” aniya.

Ayon kay Dar, gagawin ito ng ahensiya upang patuloy na madagdagan ang pork supply sa bansa.

Nauna nang inanunsiyo ng DA na palalakasin nito ang pork supply sa Luzon sa gitna ng mataas na presyo ng karne.

Ang baboy ay magmumula sa Visayas at Mindanao.

Ang suplay ng pork at chicken products sa Luzon ay naapektuhan ng African Swine Fever at bird flu outbreaks. Ilang poultry raisers din ang huminto sa operasyon dahil sa pandemya.

Comments are closed.