DAGDAG NA WARDS IPINATATAYO NG DPWH SA EAMC

EAMC

KARAGADAGANG wards at ICU sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang kasalukuyang ipinatatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH)  upang mag-accommodate ng 250 pang pasyenti.

Ayon kay Undersecretary Emil Sadain, pinuno ng DPWH Task force sa Augmentation of Local and national healthcare facilities, ang ground floor at second floor ng bagong gusali ng EAMC ay operational sa COVID-19 ward, habang ang 3rd , 4th at 5th floor ng ospital na ito ay matatapos sa darating na Setyembre 15.

Samantala, inaprubahan ng DPWH ang conceptual designed ng proposed field modular hospital sa Quezon Institute sa  E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City para sa augmentation  capacity nito.

Ang limang modular hospitals na ito ay mayroong total capacity na aabot sa 110, at ito ay  fabricated components upang mapadali ang construction nito.

Batay sa design, ang hospital na ito ay may kasamang nursing station, equipment laboratory, pantry, storage, medical gas line, CCTV system, at elevated pathway connecting cluster.

Bukod sa binabanggit na mga equipment ay may itatayo rin ang DPWH ng dalawang dormitoryo sa loob ng Quezon Institute compound bilang temporary shelter ng 64 health workers na nakatalaga sa ospital na ito. FROI MORALLOS

Comments are closed.