AAPELA ang isang grupo ng provincial bus operators para sa taas-pasahe sa muli nilang pagbiyahe simula sa Setyembre 30.
Ayon sa South Luzon Bus Operators, ang kahilingan para sa fare hike ay ihahain nila ngayong araw sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Nauna nang sinabi ng LTFRB na hindi magkakaroon ng pagtaas sa pasahe sa pagbubukas ng 12 modified provincial bus routes papasok at palabas ng Metro Manila at Regions 3 at 4-A.
Nasa 286 provincial bus ang papayagan ng ahensiya na magbalik-pasada simula sa Setyembre 30.
Paliwanag ng grupo, malaki ang mawawala sa mga operator at driver dahil ang mga bus ay papayagan lamang na mag-accommodate ng 50 porsiyento ng kanilang passenger capacity.
Ayon pa sa grupo, hihilingin din nila sa LTFRB na payagang bumiyahe ang mas marami pang bus at magbukas ng mga ka-ragdagang ruta.
Ang 12 modified provincial bus routes na bubuksan alinsunod sa Memorandum Circular No. 2020-051 ng LTFRB ay ang San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City;
Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx); Lemery, Batangas – PITx; Lipa City, Batangas – PITx; Nasugbu, Batangas – PITx; Indang, Cavite – PITx; Mendez, Cavite – PITx; Tagaytay City, Cavite – PITx; Ternate, Cavite – PITx; Calamba City, Laguna – PITx; Siniloan, Laguna – PITx; at Sta. Cruz, Laguna – PITx.
Comments are closed.