(Dagdag puwersa sa Election 2022) 200 PANG ‘FULLY EQUIPPED’ SOLDIERS IDINEPLOY

SOUTHERN LUZON-UPANG masiguro ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines -Southern Luzon command na hindi sila masisingitan ngayong araw na election , nagpasya si SOLCOM commander Lt Gen Bartolome Bacarro na mag deploy ng karagdagang 200 fully equipped soldiers para mapalakas ang kanilang kasalukuyang naka-deploy na regular forces .

Mahigpit ang tagubilin Baccaro sa kanyang mga tauhan kailangan itodo nila ang suporta hanggang sa matapos ang eleksyon upang masigurong magkakaroo ng secure, accurate, and fair election (SAFE).

Itinalaga ni Bacarro ang pagdedeploy ng karagdagang puwersa kay 201st Bde commander, BGEN Norwyn Romeo Tolentino na may hawak ng 59th at 85th Infantry Battalion.

Bukod dito, pinakilos din ng SOLCOM ang kanilang Quick Reaction Team (QRT) at Civil Disturbance Management (CDM) Teams na standby alert sa Camp Nakar.

Pinalakas din ng Philippine Army ang puwersa ng AFP Joint Task Force-NCR .

Kasunod ng ginawang mustering of troops kahapon sa loob ng Army headquarters sa Fort Bonifacio na pinangunahan mismo ni Army commanding General Lt Gen Romeo Brawner.

May 400 troops na itinalaga si Brawner na contingency or standby force sa Headquarters Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio, Metro Manila.

Ang nasabing contingency force ay binubuo ng Civil Disturbance Management (CDM), K-9, Explosive Ordnance Disposal (EOD), Ambu-Medic, at Chemical, Biological, Radiological and Nuclear (CBRN) teams bukod sa naunang composite company na itinalagang sumuporta sa Joint Task Force-NCR nang magsimula ang election season.

Habang nagdagdag pa ng 4,000 sundalo ang mga Philippine Army Major Units bilang augmentation forces para sa unified commands .

Tagubilin ni Ltgen Brawner, “To practice the right of suffrage and to ensure the safe, orderly, and peaceful conduct of elections.” VERLIN RUIZ