DAGDAG SINGIL SA TUBIG

TUBIG

UUTAY-UTAYIN ng Maynilad Water Services, Inc. ang pagsingil sa P5.73 per cubic meter rate hike sa susunod na apat na taon.

Ang patak-patak na taas-presyo ay inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Napansin ni MWSS Chief Regulator Patrick Lester Ty na ang pagtataas ay naantala ng 10 buwan at ipatutupad ng paunti-unti para hindi mabigatan ang mga konsyumer.

“Gusto nating tulu­ngan ang mga consumer para hindi masyadong mabigat dahil lahat ng bilihin ngayon dahil sa inflation tumataas,” sabi niya.

Tataas ang halaga ng P0.90 per cubic meter sa Oktubre na magreresulta sa P2.40 pagtaas sa buwanang singil ng sambahayan na kumokonsumo ng mas mababa sa 10 cubic meters, habang ang mga kumonkonsumo ng mahigit sa 20 cubic meters kada buwan ay magbabayad ng dagdag na P13.68 pa.

Ang P1.95 kada cubic meter na pagtaas ay nakaiskedyul sa 2020 at 2021, na may final adjustment na P0.93 pagpasok ng 2022.

Sinabi ni MWSS administrator Rey Velasco na hindi mapipigilan ang pagtaas ng singil sa tubig para sa Maynilad at Manila Water dahil inaayos nila ang kanilang serbisyo na nangangailangan ng pondo na galing sa rates adjustments.

Hindi naman isinali ang non-profit organization Water for the People Network sa pagtaas ng singil dahil maglalagay umano ito ng sobrang bigat sa mga konsyumer.

“Kahit na sabihin nilang mababa lang ang i-increase niyan, dapat makita natin gaano ka-justifiable ang bawat sentimo na ipinatak niyan,” sabi ni Xandra Bisenio, Water for the People Network officer.

Comments are closed.