OVERHEARD the Megastar being interviewed by the King of Talk sa “The Bottomline”. Kung wala nga lang daw si KC (Kristina Cassandra) gusto niyang totally i-delete na sa buhay niya ang ex niyang tatay nito na si Gabby Concepcion.
Hindi pa rin matukoy ang naging dahilan na naman ng muling paglayo ng loob sa ex niyang nakatrabaho na niya uli sa isang commercial.
Hate na ang nakikita at nararamdaman sa Megastar whenever the talk pops out about the past.
MRS. UNIVERSE FINEST WOMAN GINANAP SA CEBU
NOONG DISYEMBRE 10, 88 kandidata mula sa sari-saring bansa sa mundo ang dumating sa Cebu para sa Mrs. Universe Finest Woman 2018 kung saan ang ating kinatawan ay ang Ilonggang si Beau Singson.
Sa Australia na naka-base si Beau at ang kanyang pamilya ay nangangasiwa sa Lupus Foundation doon bukod pa sa ibang adbokasiya na kanyang pinalalaganap gaya ng karapatan laban sa pag-abuso sa karapatan ng mga bata at kababaihan.
Kaya naman naging abala na si Beau kasama ang kumatawan sa 2019 as Mrs. Universe Finest Woman na si Patricia Javier sa pagaasikaso sa mga kandidata.
“Mula nang hirangin akong Mrs. Universe Philippines Finest Woman 2018, the butterflies in my stomach never left. Pressure each day. Kasi after 41 years, ngayon lang ito iho-host ng Filipinas, kaya double if not triple ang efforts we and the organizers had to do to make this memorable for all the candidates.”
Truly an empowered woman, hindi natapos ang isang araw na walang ina-accomplish si Beau and her beautiful sisters like Patricia sa kanilang livelihood programs centering on protecting, educating and empowering women and children with their rights.
SHAINA MAGDAYAO ITINAMPOK SA MADAMDAMING ROLE IPINAGDIWANG and World Aids
Day kamakailan.
Ang istoryang ibinahagi ng “MMK” (Maalaala Mo Kaya) ay may kinalaman sa kuwento ng isang inang itinago sa anak ang tunay na sakit nito, ang Human Immunodeficiency Virus (HIV).
Tampok si Shaina Magdangal sa nasabing istorya kasama si Yayo Aguila mula sa direksiyon ni Raz dela Torre.
Paano hinarap ng isang ina ang panatilihing lihim ang naging sakit ng anak. Natanggap ba ito ng anak na kung tutuusin ay biktima rin sa pagkakaroon ng nasabing sakit?
Taon-taon, ayon na rin sa istatistika, parami pa rin nang parami ang mga taong afflicted ng HIV o ng AIDS.
Kailan kaya ito mabubura o matatapos.
Comments are closed.