IPINAGPALIBAN ng Philippine Basketball Association (PBA) ang opening ng 45th season nito dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus (nCoV).
Sa isang statement na naka-post sa Facebook, inanunsiyo ng liga ang bagong petsa ng season-opener sa Marso 8. Ang opening ay unang itinakda sa Marso 1.
Iniurong din ng PBA D-League ang opening nito sa Marso 2 mula sa orihinal na petsa na Pebrero 13.
“Preventive measures against N-COV are now in place and will be implemented. The safety of our fans, teams, players and officials remain to be our top-most priority,” nakasaad sa post.