PANSAMANTALANG ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng poultry at poultry products, kabilang ang itlog at day-old chicks, mula Japan dahil sa outbreak ng avian influenza o bird flu.
Sa isang memorandum order na nilagdaan noong Miyerkoles ni Agriculture Secretary Francisco Tiu- Laurel, Jr., agad na sinuspinde ng DA ang pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary import clearance para sa inward shipment ng wild birds, poultry at poultry products na galing ng Japan.
“Only wild birds, poultry and poultry products imported from Japan that are already in transit, loaded and accepted on or before Nov. 10 will be allowed entry to the Philippines,” nakasaad sa kautusan.
Ang shipments matapos ang Nov. 10 ay ibabalik sa Japan, o kukumpiskahin at wawasakin.
Ang import ban ay ipinatupad makaraang iulat ng Japan’s Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries ang outbreak ng Highly Pathogenic Avian Influenza sa World Organization for Animal Health noong Nov. 28.
Iniulat ng Japanese agency ang outbreak ng H5N1 strain sa wild at domesticated birds noong Nov. 24 sa Kashima City sa Saga Prefecture.
Binigyang-diin ni Tiu-Laurel na kinakailangan ang import ban para maprotektahan ang local poultry population mula sa pagkakabantad sa H5N1 avian influenza strain.