UMABOT na sa P700 billion ang nawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19, ayon sa survey ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nagpapakita na maaari itong pumalo sa P1.1 trillion.
Sa virtual briefing sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), sinabi ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na ang economic losses dahil sa quarantine measures ay tinatayang nasa P700 billion hanggang P1.1 trillion.
“Based on the surveys, we gathered that the effect of COVID so far, primarily because of the ECQ (enhanced community quarantine) is some P700 billion,” ani Chua.
Aniya, ang NEDA, sa pakikipagpartner sa Department of Finance (DOF), ay nagsagawa ng dalawang surveys, tatlong linggo na ang nakalilipas – isa para sa mga consumer na may 200,000 respondents, at ang isa pa ay para sa maliliit na negosyo na 44,000 respondents.
Naunang sinabi ng NEDA na ang economic growth ay tinatayang babagsak sa 0% ngayong taon at maaari pang mahulog sa negative territory dulot ng quarantine.
“If GDP (gross domestic product) right now is P18.6 trillion and we will not grow by the 6%, then basically the loss that we are basically seeing is it can be P1.1 trillion,” ani Chua.
“So far, the survey seemed to say that is not very far off, because the survey says around P700 billion in losses according to the people we interviewed,” paliwanag niya.
Comments are closed.