(Dahil sa ECQ) KRIS BERNAL GUMAGAWA NG PARAAN PARA MAITULOY ANG EHERSISYO SA BAHAY

KAHIT naka-lockdown ang buong bansa ay hindi naman ito naging daan para pati ang byuti ni Kris Bernal ay manahimik na lang sa isang wallfacetabi at hintayin na lang na magbalik na sa normal ang galawan sa buhay nating mga Pinoy.

Sa pamamagitan ng kanyang social media account ay nanatiling updated ang kanyang  followers sa mga gawain ng young Kapuso actress ngayong naka-quarantine ang buong bansa laban sa deadly corona virus. May nakakapuna na very fit and sexy ang katawan ni Kris na tila ba kahit bawal, dahil na rin sa mahigpit na social distancing, ay patuloy siyang nagpupunta sa gym for her health and fitness exercises.

Ani ni Kris, di raw siya lumalabas ng bahay at kung nakikita man ngayon na malaki ang improvement ng kanyang pangangatawan ay dahil feeling ni Kris ay nagbunga na rin ang halos 5 taon niyang pag-e-exercise sa gym. Hindi naman daw niya nakuha ang fitness ng kanyang pangangatawan ng overnight. Talaga raw tiniyaga niya ito na umabot na nga rin daw ng limang taon.

At ngayon nga na bawal ang magpunta sa mga gym, dinidiskartehan muna ni Kris ang mga bagay sa kanyang tahanan para makapagpatuloy sa nakagawian ng exercises. Ginagawa niyang dumbbell ang kanyang handbag na nilalagyan niya ng mabibigat na bagay. Maging ang kanyang sopa ay nagagamit niya rin sa pag e-exercise. Para-paraan lang talaga pag gusto ang ginagawa.

 

TOM RODRIGUEZ NABABAHALA SA KAPATID NA FRONTLINER SA US

TULAD nina Alden Richards at Aicelle Santos, meron din kapatid na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang isang nurse si Tom Rodriguez. TOM RODRIGUEZNaka-base sa US ang kanyang ina at mga kapatid, kung saan may highest cases of Covid-19 positive ang naitala sa naturang bansa.

Pumapalo rin sa libo ang bilang ng mga namamatay araw-araw sa naturang pandemic. Kaya hindi maiwasang mabahala ni Tom sa kalagayan ng kanyang mga mahal sa buhay. Si Tom ay nasa Pilipinas nang magkaroon ng mahigpitang lockdown at bawal ang pagbiyahe palabas ng bansa.

Kaya sa technology na lang nila dinadaan ngayon ng kanyang kapatid at ina ang status ng kanilang mga pamumuhay sa gitna ng crisis.

Say ni Tom, katu-katulong daw ngayon ng kanyang kapatid na nars ang kanilang ina sa pag-aalaga ng kanyang mga pamangkin sa tuwinang magre-report sa trabaho bilang frontliner sa naturang bansa. Ang ina ang nagbabantay sa anak ng kanyang ate dahil naka-quarantine din sa US at hirap makakuha ng nanny  gawa ng travel ban.

Kuwento pa ni Tom, dobleng pasakit pa para sa kanyang kapatid na nars na hindi niya agad-agad mayayakap ang mga anak sa tuwing uuwi ito galing sa duty. Kailangan pa kasi nitong i-sanitize mabuti ang katawan, na nangangailangan din ng maraming oras bago pa man tuluyang makahalubilo ang kanyang pamilya.