TINATAYANG nasa 1.46 million metric tons ng palay kada anihan ang mawawala sa bansa dahil sa El Niño, ayon sa National Irrigation Administration (NIA).
Ang potential loss ay kinompyut base sa 267,000 ektarya ng palayan na maaaring maapektuhan dahil sa tagtuyot.
Ayon kay NIA Deputy Administrator Josephine Salazar, sa agricultural regions sa bansa, ang Central Luzon ang inaasahang pinakamaaapektuhan na may 85,000 ektarya ng palayan.
Pumapangalawa ang Soccsksargen na may 27,000 ektarya, sumusunod ang Ilocos na may 24,000 ektarya.
Ang iba pang vulnerable regions ay ang i Mimaropa (17,000 hectares), Western Visayas (15,000 hectares), Central Visayas (14,000 hectares) at Zamboanga (13,000 hectares).
“We are promoting na sa tail end portion ng irrigation system, we are proposing na high value crop ang itanim,” ani Salazar.
Kabilang sa mga pananim na prayoridad ng High Value Crops Development program ng Department of Agriculture (DA) ay ang mangga, saging, kape, cacao at sibuyas.
Nakikipag-ugnayan na, aniya, ang NIA sa DA para sa preposition ng mga buto ng high value crops.
Nagpapatupad na rin ang NIA ng isang solar-powered irrigation system, gayundin ng alternate wetting at drying technique, bil- ang water-saving tech- nology na makapagpa- pabawas sa paggamit ng irrigation water sa mga palayan.
Noong Agosto ay hiniling ng pamahalaan ang tulong ng private at international groups upang talakayin ang mga istratehiya sa pagharap sa El Nino.