PARIS, France- Pumalo ang global sugar prices sa pinakamataas na antas nito sa loob ng halos 13 taon noong September makaraang maapektuhan ng El Niño phenomenon ang produksiyon sa India at Thailand, ayon sa Food and Agriculture Organization (FAO).
Habang ang world food prices ay naging matatag sa kabuuan noong nakaraang buwan, ang Sugar Price Index ng FAO ay umakyat ng 9.8 percent kumpara noong August, ang pinakamataas na lebel magmula noong November 2010, ayon sa UN agency.
Ayon sa World Meteorological Organization ng UN, ang phenomenon, na maaaring tumagal ng siyam hanggang 12 buwan, ay nagsimula noong July.
Ang Sugar Price Index ng FAO ay tumaas na ng dalawang sunod na buwab dahil sa dumaraming alalahanin sa mas mahigpit na global supply outlook sa 2023-2024 season.
“This mainly reflects early forecasts pointing to production declines in key sugar producers, Thailand and India, due to drier-than-normal weather conditions associated with the prevailing El Niño event,” sabi ng FAO.
“Higher international crude oil prices also contributed to the increase in world sugar prices,” dagdag pa nito.