(Dahil sa ipinatupad na K-12 basic education) RETIREMENT AGE NG PULIS POSIBLENG ITAAS

Pulis

CAMP CRAME – MAAA­RING madagdagan ng dalawa hanggang apat na taon ang retirement age na 56 ng mga pulis.

Ito ay nang aminin ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge  Lt. Gen. Archie Gamboa na sang-ayon siya na itaas ang retirement age ng mga pulis.

Para kay Gamboa, maaring gawing 58 years old hanggang 60 years old ang retirement age ng pulis imbes na 56 years old.

Paliwanag ng heneral, ito ay bunsod ng K-12 program  kung saan nadagdagan ng dalawang taon ang basic education curriculum sa high school.

Giit pa ni Gamboa, makatuwiran lamang na baguhin ang retirement age ng mga pulis upang maging balanse ang karanasan ng mga pulis sa edad nito dahil sa pag-abante ng K-12 program.

Alinsunod sa nasabing programa ng Department of Education, sa halip na makatapos ng sekondarya o highschool ang estudyante sa edad na 16, umaabot ng 18 dahil mayroon nang Grade 11 at Grade 12.

Dalawang taon ang nadagdag sa highschool na tinawag na senior highschool at pagsapit sa edad na 19 saka pa lamang magsisimula sa kolehiyo na gugugol pa ng basic na apat na taon pataas, depende sa kursong kukunin.

EUNICE C.

Comments are closed.