PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap nito na tugunan ang pagtaas sa presyo ng luya sa Metro Manila sa gitna ng kakulangan sa suplay at ng tumataas na demand mula sa processing industry.
Kasunod ito ng ulat ng DA-Bantay Presyo na ang presyo ng luya sa Metro Manila ay pumalo sa P280 kada kilo noong Mayo 31.
Ayon kay DA Undersecretary for High-Value Crops Cheryl Marie Natividad-Caballero, ang tumataas na demand para sa processing ay nag-ambag sa bumababang suplay sa merkado.
“We must understand na ang luya, hindi lang natin ginagamit pangbahay, pangluto… So nag-aagawan ngayon ng supply (that ginger is not only used at home, for cooking… So, there’s a current supply grab). This is also being used now for processing. So, the spike in prices shows that there is a tight supply availability as of the moment,” ayon kay Caballero.
Ang umuusbong na pangangailangan para sa luya ng processing industry ay kinabibilangan ng salabat tea, na itinuturing na isa sa organic at natural health remedies, gayundin ang dilaw na luya na maaaring gamitin bilang turmeric, colorant, flavoring, at para sa medicinal purposes.
“So, the effects of typhoon Aghon have nothing to do with the mounting prices considering that ginger harvest was done last March to April, with the latter part completed in May,” ani Cabellero.
Aniya, ang assessments sa aktuwal na dami ng households at processing requirements ay kasalukuyang isinasagawa.
“If we have to make sure that there’s stability in prices, we must be able to produce in two market streams. So, one for the household, and one for processing.”
Gayunman, ang mga posibleng hamon ay kinokonsidera dahil ang farmgate prices ng luya ay magkakaiba, kung saan ang basic wholesale price ng luya ay nasa P100 kada kilo.
“Ang rule of thumb kasi nila is nasa times two iyan parati from the farmgate price. So, that is how we do the assessment. But you must understand kahit iyon iyong rule of thumb, ang tanong doon is nasaan iyong supply (that’s a rule of thumb, but the question is where is the supply),” dagdag pa ni Caballero
Sa kasalukuyan ay pinaiigting ng DA ang mga pagsisikap nito na kumuha ng suplay mula sa iba’t ibang probinsya na malapit sa Metro Manila para mabawasan ang transport costs, tulad sa Pinatubo area.
Aniya, hindi rin nawawala ang posibilidad ng pag-angkat.
(PNA)