TUMAAS ang presyo ng ilang klase ng gulay at isda sa mga pamilihan sa Metro Manila dahil sa kaunting suplay na nagmumula sa mga probinsya.
Naglalaro sa P10 hanggang P40 ang patong sa kada kilo ng ilang gulay tulad ng repolyo na tumaas sa P60 kada kilo mula sa P50, at kamatis na sumipa sa P100 kada kilo mula sa P60.
Ang pagtaas ng presyo ay dahil mahal pa rin ang transportasyon ng mga gulay lalo na kung ito ay manggagaling sa Benguet.
Tumaas din ang presyo ng galunggong at bilong-bilong mula sa lungsod ng Lucena, Quezon dahil sa mahal na krudo at kaunting suplay ng isda ngayon.
Samantala, sinabi ng Samahang Industriya ng Agriultura na asahan pa ang pagtaas ng presyo ng mga gulay sa mga susunod na araw. DWIZ 882