BAHAGYANG tumaas ang presyo ng ilang gulay sanhi ng mataas na demand at ng panahon, ayon sa monitoring ng Department of Agriculture (DA).
Sinabi ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez na ang mga gulay na nagtala ng pagtaas ay yaong mga sensitibo sa pagbabago ng temperatura.
Kabilang dito ang repolyo na mabibili ngayon sa halagang P100 hanggang P120 kada kilo, na tumaas mula P70 noong Nobyembre.
Maging ang presyo ng ilang Baguio vegetables ay tumaas din.
“Alam mo naman ‘pag season, pinag-uusapan namin, ‘pag malapit na Pasko, ano ba hindi tumataas? Lahat ‘yan, panghalo sa pansit, lahat nagtataasan. Pagbigyan na rin naman natin ang ating magsasaka,” ani Estoperez.