NABAWASAN ng 10 porsiyento ang mga sumasakay sa LRT-1, na nagsasakay ng hanggang kalahating milyong pasahero araw-araw, dahil sa pangamba sa 2019 Novel Coronavirus (nCoV).
Ayon kay Light Rail Manila Corp President and CEO Juan Alfonso, upang maibsan ang takot ng mga commuter ay pinagsusuot ng face masks ang mga guwardiya at ticket seller ng LRT-1.
“Some of our frontliners who sell tickets in stations, we followed the advisory for them to wear masks and also sanitize to prevent the spread of the virus,” ani Alfonso.
“We’d like to do our part in keeping the system clean and safe for all passengers,” dagdag pa niya.
Nauna na ring inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng public utility drivers na magsuot ng face masks. Ganito rin ang ginawa ng Grab sa mga driver nito.
“We’re all affected – transport, hotels, tourism, retail so we’re hoping to get over this sooner rather than later,” dagdag ni Alfonso. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.