NAGDEKLARA ang bayan ng Calatagan sa Batangas ng state of calamity dahil sa pagtaas ng mga kaso ng African Swine Fever (ASF).
Ang desisyon na nabuo matapos ang session ng Sangguniang Bayan, ay inaasahang magpapadali sa pamamahagi ng tulong sa local hog raisers na nahaharap sa outbreak.
“Para po ma-cater ‘yung farmers na affected talaga para makapaglabas ng fund,” wika ni Dan Paul Badong, Municipal Information Officer ng Calatagan.
Kinokonsidera rin ng Lian, isa pang bayan sa Batangas, ang pagdedeklara ng state of calamity.
Ang local government ay kasalukuyang nagsasagawa ng blood sampling sa mga baboy upang higit na ma-assess ang sitwasyon.
Ayon sa Batangas Office of the Provincial Veterinarian, ang ASF ay nakaapekto na ngayon sa pitong bayan sa lalawigan.
Ang pinakahuling nadagdag ay ang San Juan, kung saan isang barangay ang nag-ulat ng positive cases. Ang mga apektadong lugar ay ang Lobo: 17 barangays, Calatagan: 5 barangays, Lian: 2 barangays, Talisay: 2 barangays, Rosario: 1 barangay, Lipa City: 1 barangay, at San Juan: 1 barangay