(Dahil sa pagmahal ng patuka)PRESYO NG MANOK SUMIRIT

MANOK-5

TUMAAS na rin ang presyo ng manok sa mga palengke dahil umano sa pagmahal ng patuka.

Ayon sa United Broiler Raisers Association (UBRA), mula P93 noong nakaraang buwan ay nasa P112 na ang farmgate price ng manok ngayong Marso dahilan para tumaas ang retail price sa palengke na nasa P150 hanggang P200 kada kilo.

Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na ang taas-presyo sa manok ay dahil sa pagmahal ng patuka.

“Sa tingin natin meron talagang contribution ‘yung pagtaas ng presyo ng mga patuka kasi alam naman natin na kapag ang cost of production ay tumaas, iyan ay may ripple effect sa retail price,” pahayag ni DA Consumer Affairs Group Asec. Kristine Evangelista.

Ayon pa sa DA, hindi nila inaasahan ang pagtaas ng presyo ng manok dahil karaniwang bumababa ito sa first quarter ng taon lalo na pagkatapos ng holiday season kung saan nagla-lie low na ang mga consumer.

Nauna na ring tumaas ang presyo ng baboy, gayundin ang ilang isda sanhi ng oil spill sa Oriental Mindoro.