(Dahil sa pandemya) FOREIGN DIRECT INVESTMENTS BUMABA

BSP-12

NAGTALA ng double-digit decline ang foreign  direct investments (FDI) sa bansa noong 2020 dahil sa epekto sa ekonomiya ng COVID-19 pandemic, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang FDI —investments ng foreign firms at individuals sa Filipinas — ay may net inflow na $6.542 billion, mas mababa ng 24.6% mula sa $8.671-billion net inflow noong 2019.

“An FDI net inflow indicates that non-residents’ investments that entered (inflow) the country exceeded those that exited (out-flow) or were withdrawn.

“The disruptive impact of the pandemic on global supply chains and the weak business outlook adversely affected investor deci-sions in 2020,” pahayag ng central bank.

Batay pa sa datos ng BSP, ang net investments ng mga dayuhan sa debt instruments ay bumaba ng 22% sa $4.1 billion noong 2020 mula sa $5.2 billion noong 2019.

Gayundin ay bumagsak ang non-residents’ net equity capital investments ng 35.7% sa $1.5 billion noong nakaraang taon mula sa $2.3 billion year-on-year.

Karamihan sa equity capital placements sa naturang panahon ay nagmula sa Japan, the Netherlands, United States, at  Singapore.

Ang capital infusions ng mga dayuhan ay pangunahing napunta sa manufacturing, real estate, at  financial and insurance indus-tries.

Samantala, ang reinvestment of earnings ay bumaba ng 13.6% sa $978 million noong 2020 mula sa $1.1 billion noong 2019.

32 thoughts on “(Dahil sa pandemya) FOREIGN DIRECT INVESTMENTS BUMABA”

Comments are closed.