(Dahil sa Q fever) KAMBING MULA U.S. BAWAL MUNA

PANSAMANTALANG ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng live goats mula sa United States matapos maitala ang unang kaso ng Q fever sa Pilipinas.

Sa ilalim ng Memorandum Order 26, sinuspinde ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang pag-iisyu ng  import clearances para sa live goats.

“All approved and unused sanitary and phytosanitary import clearance (SPSIC) for goats coming from the US are deemed cancelled,” nakasaad sa memorandum.

Nilinaw naman sa memo na ang lahat ng live goat shipments na ibinibiyahe na bago ang pag-iisyu ng  memo ay papayagang makapasok sa bansa, subject sa quarantine rules.

Ang unang kaso ng Q fever sa mga hayop sa bansa ay natunton na nagmula sa mga kambing na inangkat mula sa US.

Sinabi ng DA na kontrolado na ang mga kaso ng Q fever sa bansa kasunod ng condemnation sa mga apektadong kambing.

Ang Q fever ay isang  zoonotic disease na nakaaapekto sa mga kambing, baka, at tupa.