LUMOBO ang infrastructure spending ng bansa noong Nobyembre sa likod ng road construction at repair projects, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Sa datos ng DBM, ang paggasta sa infrastructure and other capital outlays ay tumaas ng 49% sa P60 billion noong Nobyembre, ngunit bumaba ng 1.5% mula sa naunang buwan.
Ayon sa ahensiya, ang year-on-year increase ay maaaring dahil sa mga proyekto sa kalsada, tulay, flood mitigation structures at drainage systems, kasama ang konatruksiyon ng multi-purpose buildings.
“The settlement of accounts payable of the Department of Health for various capital outlay projects under its Health Facilities Enhancement Program also drove up spending,” dagdag pa ng DBM.
Nakapag-ambag din sa mas mataas na paggasta ang road network at rail transport projects na isinagawa na may foreign aid.
Sa loob ng 11 buwan, ang infrastructure and capital outlays spending ay umabot sa P762.4 billion, o mas mataas ng 38.9% kumpara sa P548.8 billion na nagasta sa kaparehong panahon noong 2020.
Nauna nang sinabi ng mga economic manager ng bansa na ang infrastructure spending para sa 2021 ay maaaring pumalo sa P1.095 trillion, mas mataas sa P1.019 trillion na nakaprograma at bumubuo sa 5.6% ng economic output.