Students from Justo Lukban Elementary School rely on electric fans to keep themselves cool inside their warming classrooms. Metro Manila and other parts of the country are currently dealing with temperatures beyond 40 degrees. Photo by NORMAN ARAGA
PATULOY pang nadaragdagan ang bilang ng mga lokalidad na nagdedeklara ng suspensyon ng face-to-face classes bunsod ng maalinsangang panahong dulot ng tag-init.
Batay sa update ng Department of Education (DepEd), pumalo na sa 19 Local Government Units (LGUs) ang una nang nag-anunsyo ng paglilipat sa Alternative Delivery Modules simula kahapon.
Kabilang na rito ang Dagupan City sa Pangasinan, Polangui sa Albay, Maasin Central School sa Maasin City.
Pitong LGUs naman ang nagsuspinde ng face-to-face classes sa Western Visayas; 2 sa Zamboanga Peninsula at 6 naman sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN.
Maliban dito, nag-anunsyo na rin ng suspensyon sa in-person classes ang Lungsod ng Maynila gayundin ng Muntinlupa City at Quezon City.
Batay sa pagtaya ng QC iRISE UP system, tinatayang umabot sa 41°C ang init kahapon.
Dahil dito, mula face-to-face classes ay ililipat muna sa Asynchronous/Synchronous ang klase ng mga estudyante.
Base sa Memorandum Circular No. 10-A series of 2022 na alinsunod sa DepEd Order No. 037 series of 2022, ipinauubaya naman sa mga pribadong paaralan ang pagpapasya kaugnay sa pagpasok ng mga bata, ngunit hinihikayat na sundin ang mga pambansa o lokal na anunsyo.
Una na ring nanawagan ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa Department of Education (DepEd) na ikonsidera ang pagbalangkas ng mga hakbang para maibsan ang epekto sa mga mag-aaral at gurong matinding init.
P ANTOLIN