DAI-BAI MAY PAALALA SA POULTRY RAISERS

NAGBABALA ang Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) sa mga nag-aalaga ng manok o may poultry farm na huwag makampante kahit wala silang nababalitaang problema o sakit ng mga manok sa kanilang lugar.

Ayon kay Dr. Reildrin Morales, officer-in- charge ng BAI, hindi ito dahilan para hindi mag-ingat.

Dapat aniyang matiyak ng mga magmamanok na gumagana ang kanilang bio security measures sa kanilang mga lugar at mga manukan.

Dapat ding higpitan ang pagbabantay para hindi sila mapasukan ng sakit sa manok, partikular na ang Avian Influenza.

Pinayuhan naman ni Morales ang publiko na agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na veterinary office, regional office ng BAI kung may maoobserbahang kakaiba sa mga alagang manok.