DANIEL PADILLA GUSTO NANG MAGKATULUYAN SILA NI KATHRYN BERNARDO

SINIGURO ni Daniel Padilla na panghabambuhay na sila ng girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.  Ang wish daw ni Daniel sa kanilang sizzling bitsdalawa ni Kathryn ay magtuloy-tuloy na hanggang sa katapusan.

Natatawang inamin din ng binata na kasama sa future plans niya ang maikasal sila ni Kathryn.

Aminado si Daniel na marami rin silang problemang pinagdaanan in the course of their eight years relationship.

Sa tuwing nagkakaproblema raw sila, lagi’y binabalikan na lang niya ang mga ginawa ni Kathryn para sa kanya.

He always looks back with regards to how Kathryn was able to change his life.

But more than anything else, binibigyan daw niya ng importansiya ang respeto nila sa isa’t isa.

Nagko-complement daw, kasi nirerespeto niya ang mga desisyon ni Kathryn at ganon din daw ito sa kanya.

“Give and take ang isang relasyon. Hindi puwedeng umiikot lang sa isang tao.”

Ipinagmalaki rin ni Daniel ang mga katangian ni Kathryn na hinahangaan niya.

Ang gusto niya kay Kathryn ay ang pagiging organized nito.

Planado raw nito lahat ng kanyang gagawin for the week, for the day. She makes it a point to write all of these.

When they went on vacation in Iceland, si Daniel daw ang nag-push kay Kathryn kahit na mahirap ang ginawa nilang hiking experience roon.

On April 26, they would celebrate her 25th birthday. Ang terms of endearment daw nila para sa isa’t isa ang “Bal” o “Tangi” kung minsan.

Emote ni Daniel, “I’m always here for you, Bal, para suportahan ka rin sa lahat ng pangarap mong gawin.

“Pangako na mahalin ka sa mga panahon na malungkot ka o may pinagdaraanan ka.”

Sa May 25 ang eight anniversary nila bilang magkasintahan.

 

BETONG SUMAYA MAY HANDOG NA NOVELTY SINGLE

ISA NA namang pangarap ang natupad para sa Kapuso comedian, TV host at aktor na si Betong Sumaya kasabay ng paglabas ng kanyang BETONG SUMAYAdebut single sa ilalim ng GMA Music, ang “Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko.”

Malaking bahagi ng buhay ng Kapuso star ang musika kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat sa pagkakataong magkaroon at mag-record ng sariling kanta.

“I am so thankful. Nag-uumapaw ang kaligayahan sa aking puso kasi pangarap ko talaga ito pero hindi ko alam kung paano maisasakatuparan hanggang sa nabigyan ako ng chance ng GMA Music. Isa na namang pangarap ko ang natupad. Thank you, Lord. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi naman din kasi lahat nabibigyan ng chance kaya I’m very thankful sa GMA Network, GMA Artist Center, at sa GMA Music,” pahayag ni Betong.

Ibinahagi rin ni Betong na maraming emosyon ang mararamdaman ng mga taga-pakinig sa novelty song na ito, “Punung-puno ng hugot ang kanta kasi ‘yung mahal mo ay minahal ng bestfriend mo o ng taong malapit sayo tapos sila ang nagkatuluyan. Siguro, minsan sa buhay ng iba sa atin ay naranasan na ‘yun.”

May payo rin siya sa mga pusong nasaktan at nabigo. Aniya, “Try to let go pero at the same time, unti-unti mo ‘yang matatanggap. Kung hindi talaga para sa’yo, hindi talaga para sa’yo. Ipag-pray na lang natin na darating din yung tamang tao para sa atin.”

Sa panulat ni Jerry Olaguer, eksklusibong napapakinggan ang “Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko” sa Barangay LS 97.1 Forever at iba pang Barangay FM radio stations nationwide. Maaari rin itong i-request ng fans sa mga nabanggit na radio stations.

Mapapakinggan na ang “Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko” sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide simula Abril 28.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!