DANIEL PADILLA PANGARAP MAGING FILM DIRECTOR

MAY pangarap si Daniel Padilla. Hindi lang ang pag-aartista ang gusto niya.rated

Alam n’yo ba na gusto din ng binata na ma ging film director?

Yes, ayon sa kuwento ng ina niyang si Karla Estrada, gusto ni Daniel na pasukin din ang pagdidirek ng movie. “Kaya during shooting, ayun nag-uusyoso,” kuwento ni Karla sa amin nang mapag-usapan ang anak niya sa set visit namin sa shooting ng Familia BlandINA sa Plaridel, Bulacan kung saan siya ang bida at gumaganap bilang mister niya ay ang komedyante na si Jobert Austria.

After ng movie nila ni Kathryn Bernardo kung saan magso-shoot sila sa Europe under the direction of Cathy Molina-Garcia ay baka simulan na ni Daniel ang mag-aral ng filmmaking. “Sabi ko sa kanya, i-try niya ang UP,” kuwento ng ina.

Gusto ni Daniel na bago siya sumabak sa pagdi-direk ay handa siya sa edukasyon na kaila   ngan niya para maisakatuparan ang pangarap niya to be a film director. Ayon kay Karla, ayaw niyang magsimula ang anak sa career niya ng pagdi-direk na wala o´kulang ang natutunan niya at based on experience lang.

Goodluck, DJ!

PELIKULA PARA SA MGA BAYANI AT BIKTIMA NG MARAWI

NGARAGAN ang isinagawang coverage sa pagko-commemorate ng unang taon ng Marawi Siege last Wednesday, Mayo 23. Halos lahat ng radio and television stations, online news portal ay may representative na nag-cover sa kaganapan.

MARIN ESCUDEROKaya timing lang na sa unang taon ng giyera sa Marawi ay ipalabas ang pelikula tungkol sa dati’y tahimik na lunsod sa Lanao del Sur kung saan mas nakilala ang Marawi dahil doon located ang Mindanao State University (MSU) at sa intact na Muslim culture na hindi nabago ng panahon.

Sa Marawi, ang da ming brass works kung saan minsan ay nakabili pa ako ng antigong betel nut container.

Sa pamamagitan ng pelikulang “Ang Misyon (The Marawi Siege) ay ilalahad ng dating ABS-CBN New Bureau Chief na si Ceasar Soriano ang tunay na kuwento sa likod ng gumuhong buildings, mga bahay na tadtad ng mga bala at mga buhay na bigtime at binago ng giyera.

Ikukuwento ni Direk Ceasar kung paano nagsimula ang kaguluhan kung saan sa Amai Pak pak Medical Center una nagwagayway ng black flag ang grupong Islamic State or ISIS.

Ayon kay Direk na siyang sumulat, nag-produce at nag-direk ng pelikula ang rason kung bakit niya gusto na mapanood ng publiko ang obra niya ay para sa mga Pinoy. So Filipinos would know and understand why the Marawi attack happened. Ang Misyon is a film based on a true story of a registered nurse who helped the terrorists in Marawi.

“A timely film. Ang Misyon delves into the roots of terrorism in Mindanao and other details of the conflict that were never told in the media,” paliwanag niya.

Ang pelikula niya ay para sa mga bayani at biktima ng Marawi.

Ang nagbabalik na si Martin Escudero ang bida sa pelikula na susuportahan nina Rez Cortez, Lou Veloso at aktres na si Tanya Gomez at ang Regal Films baby na si Drew Alvarez na isang swimmer na kabilang sa Junior Philippine Team at isang UP Diliman student.

Comments are closed.