DANIEL PADILLA TINATANTIYA PA ANG PAPA NG INANG SI KARLA

PINAG-UUSAPAN sa showbiz at social media ang paglabas sa Kapa­milya daily reflectionmorning show na “Magandang Buhay” ng bagong boyfriend ni Karla Estrada na si Jam Ignacio last week.

Iba-iba ang naging reaksiyon ng netizens at publiko sa pagtutok nila sa kauna-unahang pagkakataon na may ipina­kilalang lalake sa buhay niya si Momshie Karla sa “Magandang Buhay.”

Kaugnay nito at sa hindi inaasahang pagkakataon, we bumped into Karla’s son na si Teen King Daniel Padilla sa Cornerstone Entertainment office where he granted us an exclusive interview.

Katatapos lang mag-recording ni Daniel sa studio ng Cornerstone at paglabas niya ay bumati agad siya sa amin habang nagme-meryenda kami bago magsimula ang media launch ng 2019 Miss Silka Philippines 2019 beauty pageant.

Tinanong namin si Daniel na baka maunahan pa sila ni Kathryn ng kanyang Momshie Karla at Jay na magpakasal.

“Uh, masyado pang maaga para isipin ‘yun. Masyado pang bago ang pag-ibig,” diretsong tugon ni Daniel.

Sundot na tanong namin kay Daniel, just in case na yayain na ni Jam si Karla magpakasal, papayagan ba niya?

“Well, mararamdaman naman namin ‘yun ng mga kapatid ko, kung tama bang ‘yun ang ma­ging desisyon ‘di ba? Pero ngayon, nagtatantiyahan pa tayo,” honest na sagot niya.

Biniro namin si Daniel na base sa sagot niya, tila parang ayaw pa niyang mag-asawa ang kanyang Momshie Karla.

“Hindi naman sa ayaw Pero tayo, e, nanantiya lang,” seryosong sabi niya.

May point naman si Daniel, ‘di ba?

o0o

SPEAKING of Daniel Padilla, isa sa top choice na celebrity crush ng mga naggagandahang kandidata ng isa sa inaabangang beauty pageants sa bansa, ang Miss Silka Philippines 2019, ang reel-and-real life partner ni Kathryn Bernardo.

Sabi ni Miss Zambales, “Kasi before, meron na siyang tinulungan na sinalanta, mga bata. So, dahil doon, na-capture niya ang heart ko. Ako rin kasi, tumutulong ako sa mga bata way back 2016. ‘Yun talaga ang nagustuhan ko kay Daniel, may malasakit siya sa mga tao. Hindi lang dahil sikat siya, but, gusto niyang tumulong dahil may mabuti siyang puso.”

Handa namang ma-bash si Miss Baguio ng Jadine fans dahil si James Reid ang kanyang celebrity crush and given a chance, maging leading man sa pelikula ang boyfriend ni Nadine Lustre.

Say naman ni Miss Batangas, “Kung magkakaroon po ako ng chance, gusto ko pong makatrabaho si Vice Ganda.  Kasi gusto ko kung paano siya magpakatotoo sa tao, and how, he makes us happy. ‘Yun po.”

Para naman kay Miss Leyte, “Ano po sa showbiz crush, it would be Mr. James Reid because he has very high respect for women and, he empowers his girlfriend, Nadine Lustre, very much. He supports how, the way she dresses, the way she works, and she doesn’t say no as long as he makes his woman happy. I think, that’s really what makes a guy handsome is his high regard for women.”

Other winners took home P100,000 for Miss Silka 1st Runner Up, P70k naman para sa 2nd Runner Up at P50k sa 3rd Runner Up.

Ang multi-awarded actress naman na si Angelica Panganiban ang bagong celebrity endorser ng Silka Green Papaya Soap.

Comments are closed.