DAR AT SHFC, NAMAHAGI NG LIBO-LIBONG TITULO NG LUPA

DAR-1

NAIPAMAHAGI na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang natitirang porsiyon ng Hacienda Luisita na pasok sa ilalim ng land reform program ng pamahalaang Duterte.

Sa ginanap na anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng DAR, pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng mga land title nang nasa 112 ektaryang lupain.

Sinabi naman ni DAR Secretary John Castriciones, kabilang ito sa mahigit 87,000 ektarya ng lupain na ipinamahagi ng pamaha-laan sa agrarian beneficiaries.

Ito na aniya ang kukumpleto sa distribusyon ng mga lupang bahagi ng Hacienda Luisita.

Samantala, mahigit 100 pamilya naman ang pinagkalooban  ng certificate of titles mula sa Social Housing Finance Corporation (SHFC) sa ginanap na seremonya kahapon (Aug. 28) sa GSIS Gym, Pasay City.

Pinangunahan ni SHFC President Atty. Arnolfo Ricardo Cabling ang ginanap na awarding bilang bahagi ng selebrasyon ng 31st Anniversary ng Community Mortgage Program (CMP).

Ang mga bagong tumang­gap ng titulo ay nakapagtapos ng kanilang mga loan obligations sa SHFC na bahagi na ng mahigit 300,000 pamilya na nabiyayaan na para sa kanilang land tenure security.

Nagmula ang mga tumanggap na pamilya sa mga siyudad ng Angono, Antipolo, Caloocan, Las Piñas, Manila, Marikina, Para-ñaque, Pasay, Pasig, Quezon City, at Valenzuela.

Kabilang naman sa sumaksi sa pagbibigay ng mga titulo sina Senator Francis Tolentino at Marikina Mayor Marcelino Teodoro.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.