(Darating sa Biyernes) FIRST BATCH NG PINOY REPATRIATES MULA LEBANON

NAKATAKDANG dumating sa Biyernes ang first batch ng Filipino repatriates mula Lebanon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).  

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na nasa 165 Pinoy ang naghihintay ng repatriation sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng Israel at ng Hezbollah militants mula sa southern Lebanon.

“Itong Biyernes, may darating na first batch pero mga lima o anim lang sila. Tapos sa Biyernes mismo, sa Lebanon, may lilikas pa,” ani De Vega.

Sa datos ng gobyerno, may 17,500 Pinoy ang kasalukuyang nasa Lebanon.

Itinaas ng DFA ang Alert Level 3 sa Lebanon noong October 21, na nangangahulugan ng voluntary repatriation ng mga Pinoy sa naturang bansa.

Sa kabila nito, inamin ni De Vega na maraming Pinoy ang nagpasyang manatili sa Lebanon dahil sa trabaho.

Umaasa naman siyang marami pang Pinoy ang magbabalik-Pinas