(Darating sa PH sa Disyembre) PINAKAMALAKING TRADE MISSION NG CANADA

IPADADALA ng Canada ang pinakamalaking trade delegation nito sa Pilipinas sa Disyembre upang tumuklas ng investment opportunities at partnerships sa defense, agriculture, mining, energy, and infrastructure.

Sa ulat ng GMA News online, sinabi ng Canadian officials na pangungunahan ni Mary Ng, Minister of Export Promotion, International Trade and Economic Development, ang “powerhouse” Team Canada Trade Mission sa Manila mula December 4-6. Ayon kay Guy Boileau, Senior Trade Commissioner sa Canadian Embassy, sasamahan siya ng hindi bababa sa 300 business leaders mula sa mahigit 180 organisasyon mula sa 17 iba’t ibang sektor.

Ayon kay Boileau, sinusuportahan ng inisyatiba ang Indo-Pacific Strategy ng Canada, na naglalayong palakasin ang ugnayan at mag-invest sa trade, security, at people-to-people ties sa pagitan ng Canada at ng Indo-Pacific region, kabilang ang Pilipinas.

“One of the objectives of the team is to provide a platform to expand and diversify our international business portfolios and reach into growing markets,” pahayag ni Boileau sa isang briefing.

Aniya, ang mga Canadian businesses ay nagpahayag ng malaking interes sa Pilipinas dahil sa “significant economic reforms” sa mga nakalipas na taon sa taxation at liberalization sa key sectors, kabilang ang renewable energy, na naghatid ng “positive signals” sa potential investors.

“At the end of the day, we are looking for a stable and predictable business environment. And what we have seen over the past few years is that the Philippines is indeed going in that direction, so that’s quite interesting and promising for partnerships in collaboration,” ani Boilaeu.

Nakikita rin ng Canada ang mas malaking potensiyal sa Philippine market, tinukoy ang gross domestic product (GDP) growth projections na 6% hanggang 6.5% sa 2025 hanggang 2026.

“This is a great country that is seen increasingly as a hub. Companies are looking at using the Philippines as a hub in terms of servicing other countries in the region. This is the country that is English-speaking, so it makes things much easier, but you also have a very young, very tech-savvy population. That resonates when we talk to our companies,” aniya.

Naniniwala ang Canada na ang trade missions ay makatutulong sa Canadian at Filipino businesses na magbukas ng pintuan sa dynamic markets, magbukas ng mga bagong oportunidad, at kumonekta sa government at industry leaders.