DARNA NI LIZA SOBERANO LIGWAK SA MMFF

LIZA SOBERANO

AYON na rin mismo ay Direk Erik Matti, hindi na raw nila ilalahok sa dara­ting na Metro Manila Film hot shotsFestival (MMFF) sa Disyembre ang Darna na pinagbibidahan ni Liza Soberano. Sobrang laki ng budget ay hindi nila pa alam kung kailan ito dapat ilabas sa mga sinehan.

Balita rin sa parte ng Star Cinema ay tila bantulot din sila isali sa MMFF ang Darna dahil may entry na si Vice Ganda na under ng Star Cinema sa taunan festival.

Tila ayaw ng production outfit na isali nila sa MMFF ang dalawang big-budgeted movie at saka taunan nang may entry si Vice Ganda sa festival kaya hahayaan na lang nila na ang entry movie ni Vice ang sumali sa taunang festival na magsisimula sa Dis­yembre 25.

KC CONCEPCION PANALO ANG PAGBATI NOONG ARAW NG KALAYAAN

KC CONCEPCIONPANALO ang ginawang pagbati ni KC Concepcion sa 120th selebrasyon ng Araw ng Kalayaan kasi ang sexy ng panganay na anak ni Sharon Cuneta sa larawan. Tinalbugan nga niya ang mga wholesome sa pagi­ging makabayan.

“Happy Independence Day, beautiful Philippines! May your natural beauty, soulful people and timeless treasures shine brighter & brighter. Proud to be Filipina. Lipad, Pilipinas kong mahal,” say ni KC.

Matagal na rin wala sa showbiz scene si KC at ang sabi ay nakatutok ito sa kanyang mga negosyo na ang isa nga ay ang mga alahas na siya mismo ang nagde-design. Kaya ayaw raw muna tumanggap ng showbiz related work ang actress.

Kanya-kanya nga ng eksena sa social media ang mga artista para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng ating bansa. Panalo nga rito si KC sa kanyang seksing outfit.

Nasa Cebu naman si Alden para makibahagi sa 120th selebrasyon ng Kalayaan. Present siya sa flag raising ceremony ng City Government of Lapu-Lapu City.

Nasa Dagupan City flag ceremony naman sina Andre Paras at Joyce Ching. Sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio ay nasa Northern Mindanao para sa flag raising ceremony ng City Government of Iligan sa Rizal Park.

Si Banjamin Alves naman ay nagpunta sa Muni­cipality of Pili sa Camarines Sur habang si Maricris Garcia ay nasa Bago City, Neg­ros Occidental.

Ang mag-inang Mayor Lani Mercado at Cavite Vice Governor Jolo Revilla ay dumalo naman sa ceremony sa Aguinaldo Shrine, Kawit Cavite.

Ang ilan sa cast naman ng historical movie na Goyo, Ang Batang He­neral ay pumarada sa Lu­neta Park na pinangunahan ng bidang si Paulo Avelino kasama ang ilang cast  na sina Mon Confiado at Art Acuna.

KRIS BERNAL PINAGDUDUDAHAN KUNG PAANO NAKABILI NG BAHAY SA AMERIKA

KRIS BERNALSINAMANTALA na ni Kris Bernal nang maimbitahan siya sa Pista sa Nayon sa Vallejo, California ng GMA Pinoy TV para magpasaya sa mga kababayan natin na roon na nakabase para sa pagdiriwang ng Pilippine Independence day celebration.

Dahil nandoon na rin ay pinuntahan na ni Kris ang bahay na binili ng pamilya nila sa West Covina sa Los Angeles California. Ang older sister niya na si Katie Ann ay isang registered nurse at dalawang taon na nagtatrabaho roon.

Napagkasunduan daw ng pamilya nila na bumili ng bahay doon para may magamit si Katie at ma­ging tirahan na rin nila kung sakaling gusto nilang pumunta ng America.

Pero inintriga si Kris sa pagkakaroon ng bahay sa Los Angeles California. Kesyo hindi raw kakayanin ng actress ang makabili ng house and lot sa America..

Nagsimula sa pag-aartista si Kris noong sumabak siya sa Starstruck Batch 4, year 2006. Magmula noon ay hindi na siya nabakante sa paggawa ng sunod-sunod na project  sa GMA 7. Bukod pa sa mga teleserye ginawa niya noon at hanggang ngayon ay nakapagpatayo pa siya ng restaurant na siya na rin ang nagma-manage.

Paglilinaw ni Kris, lahat daw sila sa pamilya ay may share sa pagbili ng house and lot. Gusto raw sana ni Kris na lahat ng kinikita niyang pera rito ay i-deposit sa US bank ng sister niyang si Katie pero hindi raw ito pumayag at minabuti na i-invest na lang daw ang pera sa real estate dahil mabilis tumaas ang presyo nito.

Katunayan ang nabili nilang house and lot ay tumaas na raw ang presyo kung sakaling ibebenta nila ito. Kaya naman ngayon ay ini-enjoy ni Kris ang buhay sa America. Namamasyal siya sa iba`t ibang lugar sa California habang wala pa siyang bagong project na gagawin sa Kapuso Network.