PUMANAW na si dating Land Tranportation Office (LTO) chief Alberto Suansing sa edad na 70.
Ito ang inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang official Facebook page.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang kagawaran sa pamilya at mahal sa buhay ng yumao.
Maliban sa pagiging LTO chief, nagsilbi rin si Suansing bilang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, DOTr senior consultant, toll regulatory board consultant at secretary general ng Philippine Global Road Safety Partnership. DWIZ882