DATING NPA SUMUKO

BULACAN- SA kagustuhan na magkaroon ng ligtas at mapayapang pamumuhay nagdesisyon ang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na boluntaryong sumuko sa mga pulis kahapon ng umaga sa PNP 1st Provincial Mobile Force Company.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director Col.Relly Arnedo, kinilala ang sumuko na si alyas Ka Dan, 63-anyos, tricycle driver, dating miyembro ng Rebolusyunaryong Hukbong Bayan.

Ayon kay Lt.Col. Ismael C Gauana,1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Lt.Col. Ronnel Dela Cruz, commander ng 70 IB PA na dakong alas-9:50 ng umaga nang sumuko ang rebeldeng NPA.

Isinuko rin ni Ka Dan ang isang cal.38 at isang MK2 Hand Grenade.

Nabatid na isa sa dahilan ng pagsuko ni Ka Dan ay ang walang humpay na kampanya laban sa insurgency and terrorism kung saan tinitiyak ng mga awtoridad na makakatanggap ng tulong mula sa mga programa ng pamahalaan tulad ng executive order 70 na una nang nilagdaan ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte na layong tulungan na makapamuhay ng maayos, payapa at bigyan ng livelihood ang mga nagbabalik loob sa gobyerno. THONY ARCENAL