(Dating PBB grand winner) MYRTLE SARROSA NAG-OBER DA BAKOD NA SA KAPUSO

MYRTLE SARROSA

OPISYAL nang Kapuso si Myrtle Sarrosa, effective February 16, bahagi na siya ngshowbiz eye lumalaking pamilya ng GMA Artist Center (GMAAC).  Si Myrtle ay former housemate ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4  ng ABS-CBN.

Bale si Myrtle ang latest Kapamilya star na tumawid sa bakuran ng GMA Network.

Ayon sa aming source, nag-audition at nakapasa si Myrtle sa “Voltes V: Legacy Live Action remake. Ang “Voltes V” ay ipinost na ni Direk Mark Reyes, ang susunod na project na gagawin niya sa GMA  at kasalukuyan na niyang pinaghahandaan dahil sa mga special effects na gagamitin niya.  Sa ngayon ay binubuo pa ang cast ng “Voltes V.”

Nagsimula ang showbiz career ni Myrtle in 2012 pagkatapos niyang ma­ging grand winner ng PBB.  Nakilala rin ang young actress bilang isang cosplayer, singer, disc jockey at dancer.  Tinapos ni Mrytle ang BA Broadcast Communications sa University of Philippines, Diliman on June 25, 2017 as a cum laude.

CENTERSTAGE JUDGES NAHIRAPANG PUMILI NG WINNERS        

ORIGINAL concept ng GMA Network ang bago nilang musical competition for kids, ang “Centerstage.”  Madaling nagustuhan ng netizens ang show dahil hindi complicated kung paano mapipili ang mananalong contestant.  Hindi magulo, dahil every Sunday, apat lamang ang contestants.  Si Alden Richards ang main host, na sa opening number, kasama niyang nagpi-perform ang mga contestants.

Dalawa silang pairs, sa unang round, magkasamang kakanta ang unang pair, sagutan sila ng stanza ng kanta. Then sa second round, solo song each sila.  Ganoon din ang ginawa ng pangalawang pair.  Sa pamamagitan ng panel of voters na pinili sa loob ng studio, iboboto nila kung sino ang dapat manalo.

Susundan ito ng boto ng tatlong judges, si international stage diva Aicelle Santos, musical director Mel Villena at Concert Queen Pops Fernandez. Ang mapipiling winners sa dalawang pair, sila naman ang maglalaban para mapili kung sino sa kanila ang tutungtong sa centerstage.

Inamin ng mga judges, na nahirapan silang pumili ng winners dahil pare-pareho silang mahuhusay, biro nga nila kay Alden, akala nila mga bata ang contestants, pero parang mga adults na sila kung kumanta.

Ang ikinaiba rin ng contest, ang mananalong winner ay tatanggap na ng cash prize.

Sa susunod na Linggo, February 23, ganoon muli, dalawang pairs at pipili sila ng winner.  At ang mapi­piling winner, lalabanan ng winner number one at doon malalaman kung kaya niyang ipagtanggol ang kanyang panalo para manatili siyang nakatapak sa Centerstage.

Si Betong Sumaya as co-host ni Alden, ang kasama ng family ng contestants na umaalalay sa kanila kapag pipiliin na ang winner. Si Alden, ang role niya pagkatapos maglaban ng mga contestants ang aalalay sa kanila.  Pahayag ni Alden” “It’s new for me, iba ito, ‘yun po ang challenge sa akin dito, how to deal with the kids, kung paano sila mag-isip, paano ko gaga­wing magaan sa kanila ‘yung naging desisyon ng judges at ng mga tao.” At nagtagumpay naman si Alden.

Napapanood ang “Centerstage” every Sunday, 7:40 PM pagkatapos ng “Daig Kayo ng Lola Ko” sa GMA Sunday Grande.

Comments are closed.