DURING their popularity as Sexbomb Dancers ng EB ay isa si Mia Pangyarihan among the original members na kilalang masinop at madiskarte.
Ngayon ay isa nang ganap na restaurateur si Mia na mula sa naipundar niya sa matagal niyang pag-iipon ang itinayong unlimited restaurant na Yoshimeatsu.
Kuwento pa ng dancer-actress (Mia) ay nagsimula ang kanyang ideya sa bagong negosyo sa pagkahilig sa mga Korean restaurant na usong-uso ngayon.
“Naisip ko itong business ko e, parang nauso kasi ang mga Korean restaurant? Tapos every other day, lagi akong nasa Korean restaurants. Tapos naisip ko lang na, ‘parang gusto ko magtayo ng ganito.’ Kasi nakikita ko ‘yung pila, ‘yung pasensya ng tao na maghintay nang mahabang oras, at isa din ako sa mga nakikipila doon,” kuwento niya.
Dagdag ni Mia, nadala rin niya sa kanyang negosyo ang kanyang disiplina bilang isang Sexbomb dancer. In fairness madalas ay puno ang nasabing Korean Resto ni Mia na matatagpuan sa may Tomas Morato at marami nang kapwa celebrities ang nakapag-dine na rin dito.
“D NINANG” NI AI AI, CHILAKS MOVIE AT HINDI CORNY
PAREHONG nagpaka-ninang sina Ai Ai delas Alas at Mother Lily Monteverde sa press, sa grand mediacon ng opening salvo movie ng Regal Entertainment ngayong 2020 na “D Ninang.” Nagpa-buenas o pa-raffle ng datung ang dalawa na ikinatuwa ng mga entertainment press and bloggers.
Well, happy ang feeling ni Mother Lily at daughter na si Ma’am Roselle sa bago nilang pelikula na alam nilang magugustuhan ng moviegoers. Kahit si Ms. Ai ay bilib sa proyekto nila na kung i-discribe niya ay hindi corny kundi chill movie.
“Yung pagkikita namin ni Kisses(Delavin), dun iikot ang kwento ng D Ninang. Pampamilya ito basta, iba sa mga nagawa ko na.” Marami raw silang nakatatawang eksena sa pelikula ng mga co-star na sina Mccoy de Leon, Lou Veloso, Angel Guardian at Kiray Celis. Isa na rito ‘yung nagnakaw sila sa pawnshop na tawang-tawa si Ms Ai kay Lou. Mala-female version ang character dito ni Ai Ai na nagnanakaw pero itinutulong rin sa kapwa.
FINAL SHOWDOWN SA EB 90s DANCE CONTEST NGAYONG SABADO NA SA ‘EAT BULAGA’
THIS Saturday ay final showdown na ng inyong favorite squad na mula sa iba’t ibang school sa APT Studio. Kaya cheer for your ipinagmamalaking squad, sa Grand Finals ng EB 90s Dance Contest! Sa palagay niyo sino kaya sa Arellano Chiefsquad- Arellano University)- Altas Prep Squad (University of Perpetual Help System)- Sharksquad (Lyceum of Alabang)- Blue Thunder Pep Squad (Rizal Technological University)- San Beda Red Corps (San Beda University -Manila) ang tatanghaling grand winner na makakapag-uwi ng malaking cash prize at trophy at pasok na sa Tatak Eat Bulaga Grand Showdown?
Kung sino ang pinakamahusay na mag-standout sa dance moves, stunts, savage, on fleek, tosses, pyramids at cheers ay siyang wagi syempre sa mag-sisibling judges sa grand finals.
Comments are closed.